Ilang piling bahagi ng aking talumpati sa dalawang graduation na aking pinuntahan ngayong linggo
Tuwing graduation ay nasusubok muli ang katatagan ng ating mga guro. They are among the bravest people in the world. Marahil nalulungkot kayo ngayon dahil iiwanan ninyo na ang hayskul kung saan nakilala ninyo ang inyong mga kaibigan at BFF. Pero sa totoo lang, mas malungkot ang inyong mga guro. Pagkatapos ng apat na taon, ang mga batang kanilang inalagaan, tinuruan, at ginabayan ay aalis na lang ng bigla. Alam nilang bahagi ito ng propesyon; alam din nilang ang pagtuturo mismo ay walang katumbas na salapi kundi ang kaligayahang maging bahagi ng inyong buhay; at alam din nilang ang iba sa inyo’y bibisita sa hinaharap pero ang karamihan siguro hindi na muli makakabalik sa kampus para makamusta ang inyong mga guro. At sa darating na hunyo, bagong schoolyear na naman; bagong batch na gagabayan, tuturuan, at mamahalin. Ganito ang buhay sa paaralan, transient ang mga estudyante. Darating, mananatili ng ilang taon, at aalis din tungo sa kanilang bagong mundo. Para sa dedikasyon sa pagtuturo, sa kanilang pag-alay ng buhay at panahon para sa inyong edukasyon, mga magsisipagtapos, palakpakan ninyo ang inyong mga guro.
Bakit spesyal ang hayskul? Bakit iiyak ang marami sa inyo mamaya? Bakit kahit ilang dekada na ang lumipas ay mananatiling sariwa ang alaala ng inyong inilagi dito? Marahil dahil pumasok kayo sa hayskul na musmos pa lamang at ngayon ay ganap na kayong mga kabataan. Maraming nagbago sa inyong pag-iisip, pag-uugali, at katawan sa nakalipas na apat na taon at saksi ang inyong mga kaklase sa mga pagbabagong ito. Wala kayong masisikreto sa kanila kaya habambuhay ninyo silang mga kaibigan. Dahil hayskul, talagang pilyo, makukulit, palabiro pero pinagsasabay ang pag-aaral. Hindi muna masyadong seryoso sa buhay. May nagpapaaral pa sa atin at medyo inosente pa ang tingin sa mga bagay-bagay.
Lahat yan iiwanan ninyo na ngayon. May bago na kayong mundo. Yung marami didiretso sa kolehiyo. Yung iba baka magtrabaho muna. Maghanda dahil hindi magiging madali ang paglalakbay. Marami kayong sasaguting tanong sa mga susunod na buwan at taon: Tama ba ang kursong kinuha ko? Nasa tamang kolehiyo ba ako? Sinasayang ko lang ba ang buhay ko? Ano ang magiging kinabukasan ko? Bakit hindi niya ako mahal? Bakit laging galit si tatay at nanay sa akin? Bakit may nararamdaman ako sa kapwa ko babae? Relaks lang. Kahit 2012 na, hindi pa katapusan ng mundo. Normal ang magkaroon ng problema, normal ang makaranas ng kalituhan, normal ang maging di-tiyak sa mga desisyon sa buhay. Hindi naman tayo perpekto dahil tao lang tayo. So in the next few years, expect alienation, confusion, cynicism, boredom.
Ang mahalaga, at ito ang pakiusap ko sa inyo, wag sumuko sa problema. Wag idaan sa bisyo. Wag isisi sa iba ang inyong kabiguang harapin ang iba’t ibang pagsubok sa buhay. Wag hayaang mangibabaw ang galit. Dapat pag-ibig lang. Magmahal na parang walang bukas. Pero sana mag-iwan ng sapat na pagmamahal para sa sarili.
Sa kolehiyo makikilala ninyo ang iba’t ibang personalidad. Walang sikreto sa kolehiyo maliban sa inaasahan na kayo ay maging mas responsable sa pangangasiwa ng inyong oras. At gawin ninyong mas makabuluhan ang buhay kolehiyo sa paglahok sa maraming aktibidad sa labas ng klasrum. At laging tandaan sana, nag-aaral tayo hindi lamang para yumaman (bonus na lang yun) kundi para maging mas matalino at mabuting tao.
Para sa akin ang pag-aaral ay hindi dapat hiwalay sa paggampan ng ating tungkulin bilang mamamayan ng lipunan. Dahil tayo ay iskolar ng bayan, dapat inaalay natin ang ating angking talino sa komunidad. Ibinabalik natin sa bayan kung ano man ang natutunan natin.
Mabigat at marami ang mga problema ng bansa: kahirapan, korupsiyon, krimen. Pero alam ninyo na marahil ang mga tinukoy ko dahil pinag-aralan ninyo yan sa hayskul. Mula ngayon, maglaan sana kayo ng panahon kung paano sa susunod na henerasyon ay hindi na ito malaking usapin. Kailangan ko itong banggitin dahil ang atensiyon ng kabataan ngayon ay nahahati sa maraming bagay. Sa pelikulang Wall-E, tila hypnotized ang mga taong nakatira sa spaceship; wala silang pakialam sa iba o sa paligid dahil nakatutok ang kanilang mga mata sa mga personalized screen; wala silang pisikal na aktibidad kundi ang mag click o kumain. Hindi ba pamilyar ang imahen? Hindi ba’t sa kasalukuyan ay manghang-mangha tayo sa mga bagong gadget – cellphone noon, kindle, smarthphone, tablet PC ngayon – na kahit sa daan o byahe ay dito nakapokus ang ating atensiyon? At pag nasa bahay o opisina, kung hindi TV ay sa computer pa rin tayo nakatambay. Walang pagtutol sa paggamit ng teknolohiya para sa mas mabilis na komunikasyon at pagkuha ng impormasyon pero aminin natin, may epekto ito kung paano tayo nakikisalamuha sa iba dahil hinahatak tayo nito paloob sa ating sariling mundo. Nagiging convenient ang virtual interaction kaya minsan nakakaligtaan natin na dapat mas maging aktibo tayo sa offline na mundo.
Hindi kaya’t umaatras tayo sa totoong mundo dahil nababagsikan tayo sa mga taong nakikilala natin? Pero kung lahat tayo ay magiging abala sa ating sariling mundo, kung ang pineperpekto natin ay ang ating FB profile, sino ang maiiwan sa maduming mundo para ituwid ang mali?
Paano magsisimula? Ituon ang paningin natin mula sa mga lcd screen tungo sa ating paligid. Aktibong alamin ang nangyayari sa ating komunidad. Walang dahilan para maging ignorante ngayon. Lahat pwedeng i-google. Makialam sa mga usaping bayan. Kausapin ang mga opisyal. Umakisyon.
Lahat ng pagbabago nagsisimula sa pagtatanong. Lahat ng rebolusyon nagsisimula sa isang ideya. Paano maging changemaker sa panahon ngayon? Sabi ni Antoine de Saint-Exupery, “If you want to build a ship, don’t drum up people together to collect wood and don’t assign them tasks and work, but rather teach them to long for the endless immensity of the sea.”
Walang mas makapangyarihang ideya sa mundo maliban sa ideya ng pag-ibig. Pag-ibig sa bayan ang dahilan kung bakit nagbuwis ng buhay ang mga bayaning dinadakila natin. Noong Lunes ay Araw ng Kagitingan. Pag-ibig sa pamilya ang inspirasyon ng milyun-milyong OFW kung bakit natitiis nila ang maging malayo sa bansa. Pero pag-ibig din ang dahilan ng maraming kasawian, kalungkutan, at kasamaan sa mundo. Madalas napagkakamali kasi na pag-ibig din ang agresyon. Pero ang pag-ibig na tama, kahit labis, magbubunga ng mas maraming kasiyahan.
Turo ng simbahan, humayo kayo at magparami. Graduates, humayo kayo, magparami at maghasik ng karunungan at pagmamahal sa mundo.
This was the greatest speech which i have read in my entire life.
It had vested motivation the way it was written;on the same token, i never pictured out that it was the REPRESENTATIVE who was having this speech for high school graduation.
Parang dito ko lang nahanap ang totoong pagpapahalaga sa BAYAN,Pagmamahal sa sarili at aksyon sa MABUTING PAGBABAGO.>.
(09332457551-Supreme Student Council President,Consolacion Community College)
Jhonrey S. Muaña
April 15th, 2012
Sir I’m from Iloilo. Naka attend ako ng Panay- Wide SUC Summit against Budget Cut.
Nagbakasyon ako sa Naile, Aklan. I was sad to see that houses are being destroyed by the river. The river was damaged by the Bagyong Frank and until now it is not repaired. Yung mga lupa ay unti- unting kinakain. My grandmother happened to have a lot near to the river. Naawa ako na konti na lang yung natira dahil kinain na ng ilog.. Nag signature campaign nga sila pero yung lokal ng Ibajay wala pa ring aksyon.
Isa pa is that ang daming out of school youth dun..
.Hope kahit papano matulungan nyo po sila..
(09305519315)Student Leader
Christian Awayan
April 18th, 2012
[…] Magmahal na parang walang bukas K and nationalism Ang batang matanda No country for young politicians […]
Mong Palatino » Blog Archive » K12 ng Kabataan
June 2nd, 2012
helo
armelle palaca
September 3rd, 2012
maganda itong istorya hahaha…… love you :)))
<3 <3 <3
armelle palaca
September 3rd, 2012
so beautiful
🙂 😛 😀 (y)
marianne apostol
September 3rd, 2012
“Magmahal na parang walang bukas. Pero sana
mag-iwan ng sapat na pagmamahal para sa
sarili.”
Kim Salas
July 8th, 2014