Speech during the book launching of Jose Maria Sison – A Celebration. Review of the book by Ina; and a story about the event by Len.
Sino si Joma Sison para sa mga kabataan? Ang sagot ay mababasa sa aklat na ito kaya bilhin ninyo na lang. Basahin ang mga sinulat ni Nato at Ina; mayroon din akong ambag na artikulo na unang nalathala sa aking blog.
Ano ang pwede kong idagdag sa mga nasulat na tungkol kay Joma? Dahil si Joma ay bahagi na ng kasaysayan, karaniwan siyang paksa sa mga paaralan. Kung ako ay estudyante pa ngayon, matagal ko na siyang ginoogle. Alamin nga natin kung ano ang search result gamit ang pangalan ni Joma.
Kapag ‘Jose Maria Sison’ ang gagamitin sa google, ang resulta ay mahigit 148,000 webpages (0.19 seconds). At kung “Joma Sison” naman ang gamit, mas maraming webpages (154,000 in 0.23 seconds) ang lalabas.
Kung pupunta naman tayo sa socialmention website, mababasa natin na bawat labingpitong minuto ay binabanggit ang pangalan niya sa internet. Sino ang madalas gumamit ng pangalan ni Joma? Nangunguna si arkibongbayan. At saan kadalasan lumalabas ang pangalan niya? Sa digg, google blog, youtube, at stumbleupon.
Si Joma ay Facebooker din. Pero sino ang totoong Joma sa Facebook? Sa page na ito, kaibigan ng Jomang ito si Jesus Lava.
Mahilig ako sa word cloud: ilalagay ko sa wordle ang url link ng isang website o teksto ng isang artikulo at lalabas kung ano ang mga pinakamadalas na gamiting salita sa website na yun. Sinubukan ko ito sa FB page ni Joma, at ito ang lumabas: mukhang madalas gamitin ng mga kaibigan ni Joma ang mga salitang Prof, ILPS, at condemns.
Nagpunta naman ako sa website ni Joma. Hinanap ko yung bibliography section. Nilagay ko ito sa wordle. Ano ang lumabas? Hindi nakapagtataka, Ang Bayan ang prominenteng salita. Mukhang madalas ding magsulat si Joma sa buwan ng Setyembre, Mayo at Marso.
Siyempre hindi reliable ang internet stats dahil mabilis itong magbago. Pero magandang pag-aralan din kung paano nabubuo at binubuo ang imahen ni Joma sa cyberspace.
Tayong lahat na nasa kuwartong ito ay nakakabatid kung sino si Joma at ang kanyang mahalagang ambag sa kilusang mapagpalaya. Dapat tingnan din natin ang internet bilang isang larangan upang itama ang mga kasinungalingan at lasong pinapakalat ng mga reaksiyunaryo tungkol sa ating kilusan.
Sa librong ito ay higit nating mauunawaan ang buhay at pakikibaka ni Joma. May ilan akong dagdag sa aking nasulat na.
Una, alam nating si Joma ay 72 years old na. Pero siya ay nakulong ng siyam na taon. Idagdag pa natin ang pagkakakulong niya sa Netherlands. Siyam na taon ang nawala sa kanyang buhay. Kung ibabawas natin ang siyam na taon sa kanyang edad, siya ay 63 years old lang. Pero siya ay torture victim. Katulad ng iba niyang kahenerasyon, ang isip at diwa man ay malakas pero ang katawan na binugbog sa loob ng kulungan ay tiyak ramdam na nila ang epekto ngayon. Kaya maaaring si Joma ay mas matanda pa sa 72 years old.
Madalas kong mabasa ang pangungutya ng mga akademiko na matanda na raw si Joma. Iba ang aking pamantayan ng matanda. Bata ka nga pero kung ang interes na pinagsisilbihan mo ay ang bulok na lumang sistema, matanda ang turing ko sa iyo. Maraming batang matanda ngayon. Si Joma at ang kanyang kahenerasyong aktibista ang halimbawa ng mga matatandang bata. Tatalakayin ko pa ang puntong ito mamaya.
Pero, kung katandaan lang naman ang pag-ussapn, at kung matanda si Joma, ano ang tawag natin kay Enrile?
Si Joma ay hindi kikilanin ng establisiyimento bilang isang dakilang lider ng pulitika ng bansa. Pero magbilang tayo ng personalidad sa bansa na kayang magheadline news basta magbitiw lang sila ng maikling pananalita. Mga presidente, senador, obispo, artista, atleta, rebelde. Sino sa mga ito ang laman ng balita mula dekada sisenta? Imelda, Enrile, Ramos, at huwag nating kakalimutan, Joma Sison. Kahit FB update niya, kayang lumabas sa front page ng mga dyaryo. Kahit 20 years na siya sa Europa, ang mga salita niya ay pinakikinggan ng iba’t ibang pulitikal na institusyon sa bansa.
Kaya masasabi ko na si Joma ay isa sa mga unmentionable greats of Philippine politics. At mas pangmatagalan ang kanyang pamana dahil kilusang rebolusyonaryo, at hindi ang nabubulok na reaksiyunaryong sistema, ang magtutuloy ng kanyang sinimulan. Ibig sabihin, si Joma ay teorista at aktibista ng hinaharap; hindi siya tagapagtanggol ng mapang-aping sistema.
At higit na hahanga tayo kay Joma kung aalalahanin natin na si Joma ay naging si Joma noong bata pa lamang siya. Ang ilan sa mga kaklase niya ay naging mga tanyag na lider at personalidad ng bansa. Pero marami sa kanila ay nakilala ng publiko noong matatanda na sila. Samantalang si Joma – tinatag ang SCAUP, tinatag ang KM, sinulat ang SND, muling tinatag ang CPP, at NPA bago siya mag 30 years old. I-google ang SND, CPP, NPA at KM at mababasa natin na aktibo pa rin ang mga radikal na institusyong ito.
Henerasyon nina Joma ang aktibong nagpanday sa pambansa demokratikong kilusan na may sosyalistang perspektiba. Naging katuwang nila ang henerasyon ng First Quarter Storm sa pagpapalakas ng kilusan sa buong bansa. Matapang ang henerasyong ito. Sila/Kayo po ang humamon sa diktaturang Marcos. Tinukoy ninyo na Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo at Piyudalismo ang ugat ng krisis sa bansa. Kaya natatawa na lang ako kapag may nababasa akong mga komentarista na bilib na bilib sa pangulo na nagbawal ng wangwang sa kalye na para bang ito ang malaking salot sa bansa.
Ipinagdiriwang natin ngayon ang buhay at pakikibaka ni Joma; pero ang pagkilala sa kanya ay isang paraan din natin/namin upang magpugay sa kanyang henerasyon at sa FQS generation.
Spesyal ang taong 2010. Ang 20 years old na FQS member noong 1970 ay 60 years old na noong 2010. Ang batang aktibista noong 1970 ay opisyal na kinikilala na ng komunidad bilang matandang aktibista.
Joma’s generation and the FQS veterans are a special breed of senior citizens of the republic. They are old dissenters who are espousing a new kind of politics. They are old warriors who refused to give up the good fight. They might still have an oversupply of idealism and revolutionary optimism but they already have old and tired (and literally, tortured) bodies. In a political sense, they are “youth without youth.”
In 1970, activists probably discussed Mao, Marcos, Beatles, sex, LSD, and the New People’s Army in rallies and DGs. In 2010, FQS veterans and Joma’s generation are probably discussing Mao, Arroyo, Beatles, sex (batteries not included), high blood, diabetes, arthritis, and the New People’s Army in rallies, reunions, and cyber forum.
In 1970, young activists shocked the elders when they voluntarily embraced the natdem revolution (with a socialist perspective). In 2010, the strong resolve of FQS activists to reaffirm the politics of revolution continues to bewilder everybody. In 1970 they should be pursuing a career in government or establishing their own business but they were more interested in the mass movement. In 2010 they should be thinking about their retirement or the welfare of their families but they continue to struggle as non-conformist militants.
There is no retirement paradise, and no Golden Acres that await FQS veterans and Joma’s generation. They are more concerned with the Five Golden Rays and the building of a revolutionary future.
Natatakot ang mayayamang bansa ngayon sa mabilis na pagtanda ng populasyon. Maraming mall sa Japan tinanggal na ang children’s section. Kaunti na raw ang mga bata. Nakakatakot nga ang hinaharap lalo na kung ang mga senior citizen ay katulad nina Enrile, Imelda, Ramos, at Gloria Arroyo. Pero kung ang huwaran ng mga bata ay tulad nina Joma Sison, Satur Ocampo, Romeo Capulong, Judy Taguiwalo, at ang FQS generation, hindi dapat tayo mangamba sa pagtanda ng populasyon. Dapat matakot ang mga reaksiyonaryo, bata man o matanda: dahil ang henerasyon nina Joma at ang mga FQS, handa pa ring lumaban hanggang ngayon.
Mapalad ang aming henerasyon dahil kapiling pa namin ang henerasyon nina Joma at FQS generation sa sama-sama nating pagsusulong ng isang mapulang bukas. Salamat at tinuruan ninyo kami kung paano lumaban at makibaka mula sa inyong kamusmusan hanggang sa pagtanda. Salamat at pinakita ninyo na basta kasama ang masa, kaya nating baguhin ang kasaysayan.
Mabuhay ang mga lolo at lola aktibista!
Long live the senior citizen activists!
Isulong ang pambansang demokrasya!
[…] This post was mentioned on Twitter by mong palatino, karlos manlupig. karlos manlupig said: RT @mongster: Ang Matandang Bata: speech during book launching of Joma Sison: A Celebration – http://is.gd/wGbbM6 […]
Tweets that mention Ang Matandang Bata: speech during book launching of Joma Sison: A Celebration - -- Topsy.com
February 24th, 2011
Ulul isa kang hipokritong nagbubulagbulagan sa mga komunista!
Ulul!
May 13th, 2016