Mong Palatino

Blogging about the Philippines and the Asia-Pacific since 2004

About

@mongster is a Manila-based activist, former Philippine legislator, and blogger/analyst of Asia-Pacific affairs.

Kapag Labor Day, may nakahandang biyaya ang pamahalaan para sa mga maliliit na manggagawa. Pagtatanggol sa kalikasan at kultura naman ang karaniwang tema kapag Indigenous People’s Day. At tuwing Araw ng Kababaihan, may pagdidiin sa kabuluhan ng pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa lipunan upang mabaka ang diskriminasyong nakabatay sa kasarian.

Pero ano dapat ang maging paksa kapag Araw ng Kabataan? Hindi lamang edad ang espesyal sa kabataan; mahalaga din ang pagiging bahagi niya ng iba’t ibang sektor at uri sa lipunan. Walang kabataang ang tanging pagkakakilanlan niya ay ang pagiging kabataan lamang. Halimbawa, maraming batang manggagawa, mayroon tayong mga IP youth, at malaking bilang ng kababaihan ay kabataan. Sa madaling salita, hindi hiwalay ang isyu ng komunidad sa partikular na usaping kasangkot ang kabataan. Ang pasanin ng bayan ay pasanin din ng kabataan.

Kung gayon, ang pagtataguyod sa interes ng kabataan ay pagkilos din upang umangat ang kapakanan ng lahat. Hindi pwedeng magtagumpay ang kabataan nang hindi niya napapawi ang mga mali sa paligid. Paano magdidiwang ang kabataan kung gapos sa kahirapan ang masa? Kaya sa minimum, kaisa ng kabataan ang mamamayang lumalaban para sa kanilang karapatan. Sa maksimum, handa ang kabataang tumindig para sa pagbabago. Pagbabago ng lipunan. Pagbabago ng lumang mundo.

Kaya hindi maiiwasang banggitin ang likas na radikalismong taglay ng kabataan tuwing Araw ng Kabataan. Hindi mapipigilang tukuyin muli ang dakilang misyon ng kabataan na maging aktibong ahente at boses ng rebolusyon. Mapanlaban ang diwa nito: Pag-asa, Pakikibaka, Pagbabago. Bilang pag-asa ng bayan, nakikibaka ang kabataan kasama ang bayan upang likhain ang isang bagong bukas. Ito ang dahilan kung bakit ang Araw ng Kabataan ay sadyang napakapulitikal.

Araw din ito ng pagkilala sa mga nauna sa atin; sa mga kabataan noon na nagturo sa atin kung paano lumaban – Sa henerasyon nina Bonifacio, Rizal, Aguinaldo, at Jacinto; sa mga lumaban noong Philippine-American War; sa mga kabataang martir ng World War II; sa mga humamon sa Batas Militar. Matayog ang kanilang pangarap para sa atin. Mangarap din tayo para sa susunod na henerasyon.

Bawat isa sa atin ay may bitbit na usapin: edukasyon para sa lahat, reproductive health, climate change, decent employment, volunteerism. Mainam kung may kumprehensibo din tayong tanaw sa ating sitwasyon upang kumprehensibo din ang ating pagkilos. Hindi lalaya ang Pilipinas kung lahat tayo ay nakapokus sa ating maliliit at hiwa-hiwalay na laban habang ang kaaway natin ay nagdudulot ng malawakang pinsala sa bayan.

Hindi rin tayo dapat malunod sa pagbaha ng impormasyon, at maanod ng iba’t ibang libangang pinagkakaloob sa atin ng modernong teknolohiya. Wala sa twitter trending topics ang katotohanan ng ating mga suliranin; wala sa social media timeline ang sagot sa kahirapan. Nasa offline na mundo ang kalutasan; sa ating sama-samang pagkilos napapanday ang mabisang sandata para sa pagbabago.

Patunayan natin na kaya nating maging inspirasyon para sa iba pang kabataan ng mundo tulad ng ipinakita ng mga kabataan ng maraming bansa sa Middle East. Gamit ang teknolohiya sa mobilisasyon, sila ay tumungo sa lansangan upang ipaglaban ang kanilang demokrasya.

Hindi nagtapos ang pakikilahok ng kabataan sa kasaysayan noong Edsa 1986. Kung tila mahirap ulitin ang kasaysayan, lumikha tayo ng bagong kasaysayan. Pero huwag sabihing tapos na ang panahong makisangkot. Hindi nalalaos ang pagiging makabayan.

Dapat tutulan natin ang pagmamaliit sa atin. Hindi tayo voting block. Hindi tayo consumer market. Hindi tayo audience profile. Hindi tayo mga kinder na ang kayang gawin lamang ay sumunod sa matatanda’t kumilos batay sa kagustuhan ng matatanda.

Maraming taguri sa bagong henerasyon: Post Edsa generation, digital natives, networked generation, Arroyo Babies, Strawberry Generation. The muggles who grew up with Harry Potter. Mamili na lang kayo. Pero ngayong Araw ng mga Kabataan, pwede bang gamitin natin itong pagkakataon upang pag-isipan, pag-usapan, pagdesisyunan kung ano ang direksiyon na ating tatahakin upang matiyak ang isang mas magandang kinabukasan para sa lahat.

Bilang beterano ng Edsa Dos, ako ay humihingi ng paumanhin at hinayaan naming mamuno si Gloria Arroyo ng halos isang dekada. Huwag ninyong tularan ang aming mga kahinaan.

One Response to “Araw ng Kabataan”

  1. very nice.

    I just want to share my testimony bilang isang kabataan.

    How did you become a Christian ?
    I started in prayer until I broked my heart, and then nasa labas ako ng bahay naming, may nakita ako na mga Youth na nag iinvite para sa kanilang Summer Youth Camp, I asked them, ano yan? Camp daw sa Iba, Zambales . 1 night and 2 days daw, Php 100 lang. free na daw lahat, Foods, Transportation , Accomodation. Astig diba! . To make a short story, sumama ako kasi wala naman ako gagawin yung time na yun. 22nd of May, may nag preach sa harap Ptr. Vicennt Vicencio, I amazed sa ginawa ni God sa buhay niya, medyo may mga struggles siya na halos parehas kami. After niyang magsalita sa harap isa lang pala yung gusto niyang sabihin sa amin si Jesus Christ na naglinis at tumubos sa kasalanan ko at sa lahat ng tao sa mundo, ayun na yung time na tinanggap ko si Jesus bilang aking personal na Panginoon at Tagapagligtas. Nanginginig pa nga ako noon, hindi ko alam kung bakit, after the Camp nagpatuloy ako sa pag attend sa Church. Yung Php 1,000 ko na natira sa ATM ko, I decided na bumili ng Bible sa National Bookstore sa Sm Fairview, tapos pinang gastos ko yung natira. Nag treat ako sa Church pero hindi nila alam na birth day ko yun, kasi 2 days pa lang kaming nagkakasama, at nag aayos kami para sa Vacation Bible School. Ayun yung first time ko na tumulong sa Ministry.

    What was your life before?
    3 years ako naging Altar Server sa Immaculate Conception Parish ( I.C.P. ) si Fr. Allan Samonte ang Pari noon. Kasi pag server ka dagdag pogi points sa chiks, mas lalo pa yata akong lumala, kasi natuto akong mag – inom ng alak, manood ng Naked Films, cutting classes hanggang nag college ako walang pagbabago. Naalala ko pa nga may nag invite sa akin sa Church ( Born Again ) pero nakakaantok and tagal ng service nila tapos ang korne nila pag nag wo – worship may paiyak – iyak pa at paluhod – luhod pa eww!! Jologs!, . . . Tapos tinamad na ko mag aral e, 1 semester lang tinapos ko sayang nga full Scholarship pa naman ako, per semester Php 500 lang tuition ko tapos may allowance ka pa sa sa Quezon City ( SYDP ). First work ko sa Calamba, Laguna sa Panasonic. Puro gimik na pinag gagawa ko aabutin ka pa ng umaga almusal alak saan ka pa. para kasi akong kulang sa LOVE. When I was a child ang gulo ng isip ko. Hindi ko naranasan na mag celebrate ng Christmas & New Year with my family yung tipong lahat kayo mag kakasama. I don’t even celebrate the Christmas, Ayun sa tropa natuto ng mga walang kabuluhang bagay. When I was 16 years of age, I experienced my sex life with my girl friend That was June 6, 2004. Sinubukan ko ding mag drugs at magpakamatay pero hindi natuloy hanggang isip lang. nangingibabaw kasi sa akin yung depression at lack of Love. after mamatay ni papa sa sakit sa cancer, nahiwalay na ako sa family ko, Kasi simula nahiwalay ako sa magulang ko sa mga tito ko na ako nakitira. When I was in 6th grade sa Valenzuela ako napadpad sa kapatid ng tito ko. After my graduation lumipat naman ako sa isa ko pang tito sa Novaliches. After my first year in High School, lumipat nanaman ako sa isa ko pang tito. Ayun tumagal ako hanggang matapos sa High School life. Until I decided na huwag muna mag aral after the graduation pero pinag aral nila ako ayun pinalad naman kasi full Scholarship ang binigay sakin ng Quezon City. Si Mayor Sonny Belmonte ( SB ). Tapos ako pa pala ang may hawak ng budget ng mga Scholar ng Bayan sa Campus namin tapos ginastos ko kasi hindi na ako papasok ng next semester e, Madami na din akong natirahan sa pinsan ko sa Laguna, pati dito sa Novaliches, Pangasinan sa tita ko naman ako nakitira. Naalala ko pa nga New year umiiyak ako noon kasi ayaw ko mag celebrate, natulog na lang ako pero ginising ako ng pinsan ko and then pumasok ako sa C.R. naligo na lang ako at umiiyak. Malapit na mag twelve noon yun, na miss ko na kasi yung Family ko. Basta everytime na na – iisip ko sila umiiyak na lang ako kinakausap si God kung ano ba talaga ang purpose ko. Very self – pity & ashamed person ako noon. Hindi kita kakausapin pag hindi mo ako kinausap that was my attitude and my life before. Yung huling gimik ko sa Padis Point, Marikina River Bank na convict ako kasi yung heart ko empty, naramdaman ko talaga, and I asked God that time. Tapos naging bad influence pa ako, kasi nagyaya ako gumimik, pati yung friend ko na first time gumimik naisama ko pa. gusto ko lang kasi makalimot sa mga problems ko pero pag gising mo hindi pa din nawala temporary lang siya. Wala na akong pakialam sa Diyos at mga tao noon, makasarili na ako, Hanggang isang araw naubos na yung pera ko 3 ATM ko noon isang BPI , China Bank, at BDO. After na paubos na nababadtrip na ko wala ng pang libre sa tropa at pang gimik, may natira pang Php 1,000 ayun na yung pinang bili ko ng Bible.

    What was the impact of the 700 Club Asia in your life?
    A lot, everytime I watched the Show naiiyak ako I do not know why, basta lagi ako sumasabay sa prayer nila Mr. Peter Kairuz & Connie Reyes at yung iba pang host ng programa, 30min pa lang yung show dati. Hahabulin ko pa yan kasi mag – out ako sa work 10:00 pm from Mandaluyong. Nakikipag away pa nga ako sa cousin ko kasi ibang channel gusto niya. Channel Q 11 pa dati e,
    Tapos nagkaroon ako ng vision na ma – ipag pi – pray niya yung baby ng cousin ko tapos ako gusto ko ma ipag pray niya din ako kaso bigla akong mahihiya. Nagulat ako noong nangyari yung vision ko. Sa Novaliches Bayan sa Plaza yun. Hindi ko alam gift pala sakin ni God yun. Tapos nag pledge din ako sa Operation Blessing, sabi kasi ni Lord. 700 Club Asia ang isa sa ginamit ni God para mapalapit ako sa Diyos at magkaroon ng relasyon. After I watched the show nagbabasa ako ng Bible.

    What are the things you experienced before you surrendered your life to Jesus?
    Parang ang hirap ipaliwanag kasi sobrang dami, siyempre sa attitude ko, nagkaroon ako ng inner peace at contentment in my life
    And the most powerful yung matuto kang mag share ng Gospel by the knowledge of God, guided by the Holy Spirit. may time nga na nag preach din ako sa isang Church nag Evangelize kami ng mga kaibigan ko doon. That was my first time na tumayo sa maraming tao, believers & unbelievers, kinakabahan pa nga ako noon e, parang ayaw ko, pero pag si Lord ang kumilos sa buhay mo wala ka ng palag. Sa Dwelling place yun sa Novaliches, Quezon City. And some of my friends, relatives, church mates called me a Pastor. I do not why? Siguro yun na yung nakikita sa akin yung pag ka Christ like. At isa lang masasabi ko kung ako binago ng Diyos bakit ikaw hindi. Lumapit ka lang sa kanya. 21st of November 2010 yung unexplainable encounter with God, as in yung sobrang lamig ng katawan ko at nanginginig pa ako akala ko patay na nga ako noong time na yun e.

    Are you ashamed of the things that you have done before?
    BIG, NO! because without my past life, it is impossible to Honor and please God as well as to show His glory through my life and my struggles.

    How do you want God use your life?
    To Share His gospel not only here in the Philippines but in the whole world, as well as being a channel of blessing to others, and to make a lot of books, to inspire people
    What was the impact of Shepherd Christian Church & Youth Generation Investigating God ( Youth G.I.G. )
    After ng Summer Youth Camp namin, dito na ako umaatend sa S.C.C. isa din ang church na ito para makilala ko pa ng higit ang Diyos as well as yung sarili ko at yung calling ko and my purpose here on earth, dito din ako nagsimula mag fasting ng 3 days. Ayun yung sinasabi sa Matthew 4 : 4 Man shall not leave on bread alone, but on every word that comes from the mouth of God. Amen! Dito na din ako nagpa baptist. May 22, 2009 sa Iba, Zambales ( Highlands Camp ) doon ko tinanggap si Jesus Bilang aking Lord and Savior
    John 10:30 I and father are one.
    Baka kasi tanungin mo ako, bakit si Jesus hindi ang Diyos.
    John 1:1 In the beginning was the word.
    Sobrang laki din ng naitulong ng Shepherd, salamat sa Diyos dinala niya ako sa S.C.C. at Youth G.I.G.
    At ngayon nag aaral ako sa Baptist Bible College of Asia sa Pasig first year lang kinuha ko. Purpose ko siyempre to Know & to love God. at hindi ko alam na nag grow na pala ako as a Christian.

    What was the impact of Baptist Bible College of Asia in you life?

    When I decided to enrolled at Baptist Bible College of Asia, I have a lot of struggles . and God told me that I need to enrolled, because of His glory as well as for my calling, to minister here in the Philippines and in the whole world. Sobrang dami kung natutunan at higit sa lahat mas kinilala ko pa ang Diyos at minahal ng lubusan sa pamamagitan ng aking pag – aaral sa BBCA. Yung Job ko isa sa mga na give – up ko para lang mag aral sa bible School.

    Mga Taong tumulong sa akin :

    Youth Leader namin sa laguna dati si kuya Alex Raganit tumira kasi ako sa Calamba, Laguna, may Bible study pa nga kami noon at after how many years nagkaroon kami ng communication at sinama niya ako mag Volunteer sa Camp sa Iba, Zambales.

    Yung best friend ko na nag invite sa akin sa Church sa Novaliches si Jozelle Balbuena tapos dinala niya ako sa Youth Service nila,

    Youth Leader namin ng umuwi ako sa Novaliches, Pastora Alma , isa din siya sa ginamit ni God, mahirap ipaliwanag pero sila yung mga taong hindi ko makakalimutan

    My mentor Karlo Mapalad siya yung matagal kung nakasama sa ( Youth G.I.G. ) Generation Investagating God, halos 3 years din yata, isa din ito sa ginamit ni God para mas lalo ko pang makilala at ibigin ang Panginoon.

    At higit sa lahat ang mga Christian Friends ko, kasi dati wala akong kilalang Christian na friends. Ang dami nila hindi ko na siguro mababangit kilala na nila kung sino sila at higit sa lahat kilala sila ng Diyos.

    And Now I’m in the Victory Churches of Asia located at Robinson Novaliches, Quezon City.

    Ariel L. Laforteza

Leave a Reply