Mong Palatino

Blogging about the Philippines and the Asia-Pacific since 2004

About

@mongster is a Manila-based activist, former Philippine legislator, and blogger/analyst of Asia-Pacific affairs.

Basahin sa page ng Bayan Metro Manila

Sa gitna ng komemorasyon ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao noong Disyembre 10, binalahura ng mga kawani ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang komemorasyon na ito nang iligal na arestuhin ang anim na trade union organizer at isang journalist sa kani-kanilang bahay at tinutuluyan.

Tinaniman ng baril at granada at inaresto si Romina Astudillo, Deputy Secretary-General ng Kilusang Mayo Uno-Metro Manila; Mark Ryan Cruz, Regional Executive Committee ng KMU Metro Manila at Jaymie Gregorio Jr., Regional Council member ng KMU-Metro Manila. Kabilang din sa mga ni-raid ay ang tinutuluyan naman ni Dennise Velasco, Defend Jobs Philippines; Joel Demate ng Solidarity of Labor Rights and Welfare (SOLAR); Rodrigo Esparago ng Sandigang Manggagawa sa Quezon City (SMQC) at ang mamamahayag na si Lady Ann Salem, communication officer ng International Association of Women in Radio and Television.

Sa bisa ng search warrant na dala ng mga kapulisan na may pirma ni Judge Cecilyn Burgos Villavert sila ay ni – raid sa magkakaparehong oras bago pa man pumutok ang araw.

Nakakagalit ang pangyayari. Maliban sa pagbabalahura sa karapatang pantao ang pitong nahuli ay binansagan ng PNP na mga gun runner; pero hindi nila binanggit na mga aktibista ang kanilang mga hinuli. Pilit ikinukubli ng PNP ang katotohanan na mga kritiko ng gobyerno ang kanilang hinuli.

Sa kumpas ng National Task Force to End Local Communism and Armed Conflict (NTF ELCAC) at pangunguna ni National Capital Region PNP Chief na si Debold Sinas, matatandaan na hindi lamang sila ang kauna – unahang mga nahuli na nakabase sa Metro Manila. Patunay dito sina Cora Agovida, Michael Bartolome, Ram Carlo Bautista, Alma Moran at Reina Mae Nasino na iligal ding inaresto, tinaniman ng mga baril at granada at ginawan ng mga gawa – gawang kaso.

Hindi kailanman naging krimen ang pag – oorganisa ng mga manggagawa.

Hindi kailanman naging krimen ang maging mamamahayag.

Hindi kriminal at lalong hindi terorista ang pitong iligal na inaresto. Sila ay mga mamamayan at aktibista na umaapaw ang pagmamahal para sa kapw, naglilingkod sa bayan at masang anakpawis.

Patuloy natin na kondenahin si Duterte sa kanyang pagkakasala sa mamamayang lumalaban!

Irehistro natin ang ating mga galit sa kalsada upang singilin ang administrasyong Duterte, PNP, CIDG at NTF ELCAC.

Palayain ang HR Day 7!
Palayain si Romina Astudillo!
Palayain si Lady Ann Salem!
Palayain si Mark Ryan Cruz!
Palayain si Jaymie Gregorio Jr.!
Palayain si Dennise Velasco!
Palayain si Rodrigo Esparago!
Palayain si Joel Demate!

Leave a Reply